Tayo ay nasa posisyong ito dahil hindi natin matalikuran ang tawag ng paninilbihan, at hindi natin sasayangin ang pagkakataong paigtingin ang ating mga ipinaglalaban. Sa isang katulad nating nakikipagpulong sa riles ng tren, natutulog sa bangka at sumasakay sa habal-habal para maabot ang ating mga pinaglilingkuran, ito ay isang malaking biyaya para lalo pang makapaglingkod. Ito ang ating pagkakataong masama ang mga nasa laylayan ng lipunan tungo sa maginhawang buhay sa mas malawak na paraan. Samahan ninyo ulit ako sa aking bagong paglalakbay.Īng sandaling ito ay hindi lamang tungkol sa akin. Kayong nagbigay ng inyong tiwala at umako ng ating laban bilang laban niyo rin. Nagpapasalamat akong kasama ko kayo sa oras na ito. Ngayon, narito na naman tayo sa isang mahalagang yugto. Noong nasilayan ko sa unang pagkakataon ang mukha ng aming mga anak. May mga sandali sa ating buhay na mas matingkad kaysa sa iba. Quezon City Reception House | June 30, 2016 Oath-taking of the Vice President of the Philippines Inaugural Address of Vice President Leonor Robredo